-- Advertisements --

Bumalik sa The Hague si Vice President Sara Duterte matapos tanggihan ng ICC Appeals Chamber ang interim release plea ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni VP Sara na nakapiling niya ang kanyang ama at ipinabatid na natanggap nito ang lahat ng mensahe at dasal ng mga tagasuporta. Tinawag niyang “good day” ang pagbisita, at karamihan ng usapan ay tungkol sa politika.

Unanimously denied noong Nov. 28 ang interim release, binanggit ng ICC ang panganib na makaiwas si Duterte at maapektuhan ang pre-trial proceedings, kabilang ang kanyang pagkapanalo bilang alkalde ng Davao City noong May 2025 elections.

Patuloy namang hinihintay ng defense ang desisyon sa apela sa jurisdiction at ang medical assessment, na nakatakdang isumite sa Dec. 5. Ayon sa mga abogado, hindi angkop si Duterte na humarap sa trial, dahilan ng suspensyon ng kanyang Sept. 23 confirmation of charges hearing.