Binati ni dating Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte ang mga kaguruan ng bansa kasabay ng selebrasyon ng World Teacher’s Day ngayong araw, Oct. 5.
Sa mensaheng inilabas ng pangalawang pangulo, nagpasalamat siya sa mga sakripisyo at dedikasyon ng mga kaguruan para maturuan ang mga kabataang Pilipino.
Aniya, ang walang kapagurang pagsisilbi ng mga guro mula sa mga silid-aralan at mga komunidad ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon para makabuo ng mas matatag na bansa.
Hinimok naman ng dating Education Secretary ang pamahalaan at lahat ng mga Pilipino na mag-invest sa edukasyon upang matugunan ang kahirapan sa bansa.
Giit ng pangalawang pangulo, sa tulong ng mga guro ay naabot ng mga bata ang kanilang pangarap, at naipapakita ang kanilang potensyal.