Hindi nakipag-usap si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa kanyang Chinese counterpart sa 19th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) sa Malaysia matapos igiit ng China ang pangba-blackmail umano ng Pilipinas sa kanilang pamahalaan.
Ngunit ayon kay Teodoro, naglabas ng pahayag ang Chinese Defense Ministry isang araw bago ang pulong, na nagsasabing kailangan ng Pilipinas na “mend its ways or suffer the consequences.” Sinabi niya na hindi siya makikipag-usap kung walang sinseridad mula sa kabilang panig.
“Would you talk to somebody who slammed your country that way? Of course not,” ani Teodoro. Binanggit din niya na sumusunod siya sa pahayag ni Chinese President Xi Jinping sa APEC Summit na “resist unilateral bullying.”
Samantala, nakipagpulong naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Xi Jinping sa gilid ng APEC Summit, na inilahad ang “partnership and meaningful cooperation” ng Pilipinas.
















