-- Advertisements --
Nangunguna pa rin umano si Vice President Leni Robredo bilang pangunahing pambato sa pagkapangulo ng oposisyon na 1Sambayan.
Ito ang lumabas na resuta sa internal survey na isinagawa ng coalition.
Nanguna naman si dating Senator Antonio Trillanes IV bilang bise presidente.
Ang nasabing resulta aniya ay inilabas sa ginawang general assembly ng coalition nitong nakalipas na Martes.
Nakakuha ng maraming boto si Robredo na sinundan ni Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso, Trillanes, Senator Manny Pacquiao at si Senator Panfilo Lacson.