Nakuha na ni US Vice President Kamala Harris ang presidential nomination ng Democratic Party.
Siya lamang ang nag-iisang kandidata sa balota sa isinagawang limang araw na electronic vote ng nasa 4,000 party convention delegates.
Dahil dito ay tiyak na ang kaniyang pagsabak sa halalan laban sa katunggali nitong si dating US President Donald Trump.
Opisyal na itong tatanghalin na presidential nominee ng partido sa gaganaping Democratic convention sa Chicago sa mga susunod na buwan.
Sinabi ng 59-anyos na si Harris na labis siyang nagagalak na mapili bilang presumptive Democratic nominee for President of the United States.
Magugunitang siya ang napili ni US President Joe Biden na humalili sa pagkapangulo ng US matapos na ito ay tuluyang umatras dahil sa panawagan ng marami nilang kapartido.