Nanawagan si U.S. President Donald Trump ng isang “imbestigasyon” laban sa kanyang 2024 Presidential election rival na si Kamala Harris, dahil umano sa pagbabayad nito sa mga celebrity bilang kapalit ng kanilang pag suporta sa kampanya.
‘I am going to call for a major investigation into this matter,’ post ni Trump.
Sa isang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na bawal sa mga kandidato ang magbayad para sa endorsements, bagay na umano’y ginawa ni Harris sa pamamagitan ng pagbabayad umano para sa “entertainment.”
Maaalalang nakipagtulungan si Harris sa mga sikat na personalidad tulad nina Beyoncé, Oprah Winfrey, at Bruce Springsteen.
Kinumpirma ni Winfrey na nakatanaggap siya ng $1 million bilang bayad sa produksyon ng isang event para sa kampanya. Pinabulaanan naman ng kampo ni Harris ang usap-usapang $10 million na binayad kay Beyoncé.
Pinuna rin ni Trump ang umano’y binayad kay Springsteen para sa isang campaign rally sa Georgia, at tinawag ang mang-aawit na “highly overrated” matapos itong pumuna sa administrasyon sa isang concert sa UK.
Paliwanag ng kampo ni Harris, legal at malinaw ang lahat ng kanilang gastusin, at tanging isang $75 na endorsement-related na gastos lamang ang naiulat sa kanilang opisyal na records.