-- Advertisements --

Nasisira na umano ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa paraan ng paghawak ng gobyerno sa mga imbestigasyon sa katiwalian na aniya’y “parang circus.”

Ito ang paniniwala ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kung saan aniya pinahihiya ang Pilipinas sa abroad. 

“We have more than ten million Filipinos abroad, and so many traveling every day. But the way we’re doing it, na parang circus araw-araw, lubusan na naaapektuhan ang image ng ating bansa,” dagdag niya.

Ayon kay Cayetano, masyado nang nagiging palabas ang paraan ng pamahalaan sa pagresolba sa mga kaso ng katiwalian.

Binanggit din ng senador na lumalampas na sa politika ang isyu at nakakaapekto na sa reputasyon ng mga Pilipino sa buong mundo.

“Filipinos who travel are being mocked, and people are saying we’re corrupt. If you count everyone involved, maybe it’s not even ten thousand people. But because of the way this is being handled, all 110 million Filipinos are being judged,” wika niya.

Hinimok niya ang mga institusyon ng gobyerno na isagawa ang mga imbestigasyon nang patas at may disiplina upang maibalik ang tiwala ng publiko sa tuntunin ng batas.

“We have to stop being distracted and start being decisive,” wika niya.