-- Advertisements --
Surpresang dumalo sa Met Gala sa New York si dating US Vice President Kamala Harris.
Kasama nitong dumalo sa nasabing show ang asawang si Doug Emhoff.
Hindi na sila dumaan sa red carpet kung saan suot ng dating Vice President ang black-and-white gown mula sa Off-White.
Personal na inimbitahan siya ni Vogue editor-in -chief at Met Gala co-chair Anna Wintour.
Ito ang kaniyang kauna-unahang pagdalo sa Met Gala at mangilan-ilan na pagdalo sa ilang kaganapan mula ng matalo ito sa pagkapangulo noong nakaraang taon.