Vince Carter
Vince Carter/ Twitter post

Pumirma sa Atlanta Hawks si Vince Carter.

Dahil dito ay makakagawa ito ng kasaysayan sa NBA sa pamamagitan ng paglalaro sa loob ng 22 taon.

Nanguna si Carter sa active player na naglaro ng kabuuang 1,481 games.

Naging NBA Rookie of the Year si Carter noong 1999 ng kunin siya ng Toronto Raptors bilang fifth overall pick sa NBA Draft ng taong din iyon.

Walong sunod na taon itong napabilang sa NBA All-Star team.

Kabilang si Carter sa panalo ng USA Basketball team noong 2000 US Olympic at noong Sydney Olympic.

Nagpalipat-lipat ito ng mga koponan gaya ng New Jersey Nets, Orlando Magic, Phoenix Suns, Dallas Mavericks, Memphis Grizzles at Sacramento Kings.