-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mistulang binuksan ang sugat ng pamilya Villavende at Padernal matapos mabatid na tinanggal na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang total deployment ban sa Kuwait.

Nangangahulugan itong kabilang na sa muling pagbalik at pagtrabaho sa naturang bansa ang mga semi at skilled workers ganun din ang mga household workers.

Ito’y matapos inanunsyo ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ang naturang pahayag matapos tiniyak umano sa kaniya ng Kuwaiti officials ang pagkamit ng hustisya kay Jeanelyn Villavende at pagbibigay-halaga sa mga Pinay domestic helpers.

Ngunit ayon kay Nelly Padernal, tiyahin ni Jeanelyn Villavende, parang wala umanong silbi ang ginawa ng pamahalaan sa pagpunta nila doon sa Kuwait.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, sinabi nitong hanggang sa ngayon ay hindi pa tumatawag sa kanila sina Sec. Bello at OWWA Administrator Hans Cacdac matapos ang pagbisita sa Kuwait.

Hanggang sa ngayon kasi ay hinihintay pa nila ang dagdag na mga updates kaugnay sa kaso ni “Tata”.

Patuloy rin ang kanilang apela sa gobyerno na bilisan ang pagproseso sa kaso ni Jeanelyn nang sa ganun ay makamit na nila ang hustisya.