-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang Vietnamese national na tumakas habang nakaquarantine sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City government, sinabi nito na sumailalim sa swab test ang Vietnamese national kasama ang iba pang mga sibilyan.

Ngunit sa halip na mag-quarantine dahil nagpositibo sa COVID-19, tumakas ito at nagtangka pang pumuslit papuntang Palawan.

Sa ngayon, hindi na makontak ang Vietnamese national na pinaniniwalaang nagtatago lang sa Iloilo City.