Vice Mayor Charlie R. Yuson III
Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie R. Yuson III (FB photo)

Patay ang vice mayor ng Batuan, Ticao Island, Masbate matapos tambangan kaninang alas-8:45 ng umaga sa may bahagi ng VG Cruz Street sa pagitan ng RM Boulevard at Lardizabal St., Sampaloc, Manila.

Nakilala ang biktima na si Vice Mayor Charlie R. Yuson III.

Sinasabing nadala pa sa UST Hospital ang biktima pero pumanaw din ito.

Samantala, kasalukuyang ginagamot sa UST Hospital ang dalawang sugatan na nakilalang sina Wilfredo Pineda y Agbunos, 44, at Alberto Alforte y Yuson, 23.

Batay sa report sakay ng silver gray van ang mga suspek ng pagbabarilin ang mga biktima habang nag-aalmusal ang mga ito.

Iniimbestigahan na sa ngayon ng Manila Police District (MPD) ang insidente para mabatid ang motibo sa pagpaslang.