-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng beteranang actress na si Princess Punzalan ang pagbida nito sa isang Hollywood film.
Sinabi nito na gaganap siya bilang isang officer sa pelikulang “The Interview” na maipapalabas pagkatapos ng coronavirus pandemic.
Patungkol aniya ang pelikula sa mga iniinterview na interesadong maging US citizens.
Nadiskubre siya ng isang agent habang nasa acting class kaya siya agad inalok na bumida sa pelikula.
Nasa US ngayon ang actress dahil doon nagtatrabaho bilang registered nurse.
Hindi naman nito maitago ang kasiyahan dahil nalalapit na niyang makamit ang matagal ng pangarap nito na bumida sa isang Hollywood film.