-- Advertisements --

Nakatakdang umukit ng kasaysayan sa Ausralian Open si seven-time grand slam singles champion Venus Williams.

Ito ay matapos na makatanggap ito ng wild-card entry sa torneo na magsisimula sa Enero 18 sa Melbourne.

Ayon sa organizer na magbabalik ang 45-anyos na tennis star sa Melbourne Park 28 taon matapos ang unang paglalaro niya.

Noong 1998 kasi ay tinalo niya ang nakakabatang kapatid na si Serena sa second round bago natalo kay Lindsay Davenport ng US din sa quarterfinals.

Una ng sinabi ni Venus noong Nobyembre na maglalaro ito sa Auckland, New Zealand kung saan nakatanggap ito ng wild card dalawang linggo bago ang Australian Open.