-- Advertisements --

Naglunsad ang Venezuela ng “massive mobilization” ng military personnel, armas at mga kagamitang pandigma.

Ang hakbang na ito ay bilang kasagutan sa paglalagay ng US ng kanilang warship sa Caribbean Sea.

Ayon kay Venezuelan Defense Minister Vladimir Padrino López na ang magsasagawa rin sila ng land, air, naval at reserve forces exercise ng hanggang Huwebes.

Itinuturing nilang isang “imperial threat” ang paglalagay ng US ng kanilang mga warship.

Bukod sa military drills ay kasama sa exercise ang Bolivarian Militia na isang reserve force na binubuo ng mga sibilyan na binuo ng namayapang Pangulo na si Hugo Chávez.

Aprubado ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang military exercise para masanay sila sakaling sumiklab ang kaguluhan.