Nagpapatuloy naman ang ginagawang libreng flu vaccine at coronavirus test ni Pope Francis sa mga mahihirap na mamamayan ng Roma.

Umarangkada na kasi ang Vatican ambulance kung saan nagtungo ang mga ito sa bayan ng Torvaianica.

Hindi inalintana ng mga staff mula sa papal charity office ang sama ng panahon at binigyan ng flu shots at COVID-19 test ang 35 katao.

Mula kasi ng magsimula ang coronavirus pandemic ay patuloy ang pagtulong ng papal charity office sa mga mahihirap at sila ay nagdo-donate ng mga ventilators sa mga pagamutan ng Italy, Brazil at Spain.