File Photo Arnis Palarong Pambansa 2019

KORONADAL CITY – Pinatunayan ng team arnis ng Socsargen Warriors na sila ang isa sa mga team na hindi dapat ipagsawalang-bahala pagdating sa Palarong Pambansa 2019.

Ito’y matapos nagkamit ng tig-limang gold medal ang magkapatid na Valdez na sina Princess Sheryl at ate nitong si Sheena Mae.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Princess Sheryl, maliban sa limang gold medals na kaniyang naiambag para sa team at rehiyon, nakuha rin nila ang dalawang silver medals sa nagpapatuloy na Palaro, habang si Sheena naman ay nagkamit din ng isang silver medal.

Inamin ng Valdez sisters na mahirap ang kompetisyon noon kumpara ngayon dahil labis nila itong pinaghandaan laban sa kanilang mga competitors.

Samantala, ginastos na ng magkapatid ang kanilang naunang nakuhang insentibo para sa pag-aaral at kanilang mga magulang at pag-uusapan pa ang susunod na mga plano sa natitira.