Dinipensahan ni US President Donald Trump ang kanyang utos sa mga American companies na umalis na sa China at sa halip ay ilipat na lamang sa US ang pag-manufacture ng kanilang mga produkto.
Ito ay matapos sabihin ng ilang mga eksperto na hindi maaring ipag-utos ng sinumang presidente ng Estados Unidos na umalis ang mga American companies sa isang bansa.
Sa kanyang tweet, tinukoy ni Trump ang Emergency Economic Powers Act of 1997, na nagbibigay daw sa kanya ng presidential powers para sa naturang usapin.
“For all of the Fake News Reporters that don’t have a clue as to what the law is relative to Presidential powers, China, etc., try looking at the Emergency Economic Powers Act of 1977. Case closed!” ani Trump.
Pero ayon sa ilang mga eksperto, mali ang pagkakaintindi ni Trump sa nasabing batas.
Ang Economic Powers Act anila ay nagpapahintulot sa presidente ng Estados Unidos na i-regulate ang komersyo kapag mayroong national emergency.
At dahil wala naman anilang naidedeklara pang national emergency hinggil sa issue ng trade war sa China, hindi anila maaring gamitin ang batas na ito para ipag-utos ang pag-alis ng mga American companies sa Beijing. (Vox.com)