-- Advertisements --

Maglalaro sa bansa ang Team USA basketball team kasabay ng hosting ng bansa ng FIBA Basketball World Cup sa susunod na taon.

Ayon sa FIBA na nagpasya ang mga basketball leaders ng bansa na dalhin ang mga USA basketball team sa bansa.

Habang ang co-host na Japan ay napili nila ang Slovenian at ang isang host na Indonesia ay napili ang Canadian basketball team na doon maglaro.

Mayroong tatlong venue ang inilaan ang Pilipinas para sa torneo sa Agosto 23, 2023 at ito ay sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Mallo of Asia Arena sa Pasay City at sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang coach ng Team USA ay si Golden State Warriors Steve Kerr na binubuo karamihan ng mga NBA stars.

Mayroong kabuuang 32 na bansa ang maglalalaban-laban sa nasabing torneo at malalaman ang groupings sa gaganaping drawlots sa Abril 29.