Iginiit ni Senator Risa Hontiveros, ang Vice-Chairperson ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation na kinakailangan ng matapos ang mahigit tatlong dekada na pagbinbin sa pagsasabatas sa anti-political dynasty. Sa kasalukuyan kasi, bagaman, may prohibition na rito, wala pang depinisyon kung ano nga ba talagang maituturing na dinastiya.
Naniniwala si Hontiveros na pati ang kapalpakan sa flood control projects ay bunga rin ng korapsyon ng mga dinastiya na nanamantala. Ayon sa datos, nasa 113 mula 149 na mga siyudad ay kontrolado ng political dynasty bunga nito ay kailangan ng solusyunan ang malawakan at matagal ng problema sa dinastiya.
Tatlong senador ang naghain ng Anti-political bill para sa 20th Congress. Sina Sen. Robinhood Padilla, Sen. Panfilo Lacson at Sen. Francis Pangilinan ang mga nagsusulong na maisabatas ito.
Kaugnay nito, inirekomenda ng COMELEC na kung isasabatas ito ay gawing 2nd degree of consanguinity and affinity ang magiging sakop nito. Naniniwala si COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ito ang mas practical at applicable sa naturang panukalang batas. Ibig-sabihin, ipagbabawal na ang mga anak, magkapatid o mag-lolo at lola sa politika.
Dagdag pa ng poll body na masama sana sa batas na magkaroon ng moto pro prio ang komisyon na i-disqualify ang isang kandidato lalo na kung ito ay alam ng poll body na lumalabag sa anti-political dynasty.
Samantala, inilatag din ng komisyon na kung ito ay maisasabatas at malaman na nalabag ito, deny due course o cancellation ng COC ang gawin at walang substitution ang mangyayari sa mga kandidato.