-- Advertisements --

Sinimulan na ng US ang pagpapauwi ng mga sundalo nila na nakatalaga sa Afghanistan.

Ang hakbang ay bahagi ng naging makasaysayang kasunduhan sa pagitan ng US at Taliban noong nakaraang buwan.

Nakasaad sa kasunduan na mayroong 135 araw ang US para gawing 12,000 na lamang ang sundalo mula sa dating 13, 000.

Sinabi ni US Forces Afghanistan spokesman Col. Sonny Leggett , na pagdating ng 135 araw ay magiging 8,600 na lamang ang mga sundalo na nakatalaga sa Afghanistan.

Ilan sa mga nakasaad sa kasunduan ay ipagpapatuloy pa rin ng US ang pagsasagawa nila ng mga counterterrorism operations laban sa al-Qaeda at ISIS at pagbibigay suporta sa Afghan National Defense and Security Forces.

Sakaling makamit ng Taliban ang mga condition sa kasunduan ay tuluyang tatanggalin ng US ang mga sundalo nila sa loob ng 14 na araw.