Itinuturing ng MalacaƱang na tahasang pangingialam sa panloob na kalakaran sa Pilipinas ang US resolution na nanghihikayat kay US President Donald Trump na magbigay ng sanction sa mga Philippine government officials na nasa likod ng pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Magugunitang nakapasa na sa Lower House ng Amerika ang Senate Resolution 142 na mariing komokondena sa patuloy na pagkakakulong ni Sen. De Lima.

Ang naturang resolusyon ay isinulong ni US Senator Edward Markey na unang idineklarang ban na makapasok sa Pilipinas.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles, walang karapatan ang mga mambabatas ng Estados Unidos na manghimasok sa mga proseso ng hudikatura o justice system sa bansa.

Ayon kay Sec. Nograles, dumaan sa due process ang kaso ng senadora mula sa prosekusyon hanggang maiakyat sa korte.

-- Advertisement --

Binigyangdiin ni Sec. Nograles na bilang sovereign state, hindi dapat ginagawa ito ng Estados Unidos at wala itong karapatang diktahan ang proseso sa bansa.