-- Advertisements --

Nasa bansa na si US Secretary of State Antony Blinken.

Sinalubong nina Department of Foreign Affairs (DFA) Chief of Protocol Fred Santos at Office of American Affairs Assistant Secretary JV Chan-Gonzaga si Blinken ng lumapag ang eroplano nito sa Villamor Airbase nitong gabi ng Biyernes, Agosto 5.

Nakatakdang makipagkita si Blinken kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw ng Sabado.

Kabilang sa inaasahang tatalakayin ng dalawa ang pagpapalakas pa ng alyansa ng US at Pilipinas.

Si Blinken ay ang unang US Secretary of State na bumisita sa bansa matapos ang tatlong taon na ang huli ay noong si Mike Pompeo naman, taong 2019.