-- Advertisements --

Nagpasya si US President Joe Biden na pumunta sa Israel.

Kasunod ito sa personal na pag-imbita sa kaniya ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ayon sa White House na pinag-aralang mabuti ng kaniyang intelligence advisers at mga national security ang ilang mga gagawing security measures sa pagbisita nito sa Israel.

Bukod sa Israel ay bibisita rin si Biden sa Jordan kung saan makakapulong niya si King Abdullah II, President Abdel Fattah el-Sisi ng Egypt at Palestinian Authority President Mahmoud Abbas.

Ang nasabing mga opisyal ay una ng nakapulong ni US Secretary of State Antony Blinken.