-- Advertisements --

Nakatakdang ipadala sa Pilipinas ang binuo ni US President Joe Biden na grupo ng top-level American executives sa susunod na linggo para palakasin ang trade at investment ties sa pagitan ng magkaalyadong bansa.

Ayon sa White House, papangunahan ni United States Department of Commerce Sec. Gina Raimondo ang delegasyon ng 22 high-level executives na kasama sa trade mission mula Marso 11 hanggang 12 ng kasalukuyang taon.

Ang high-level US Presidential Trade Mission ay commitment ng Biden administration sa official visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa US noong nakalipas na taon.

Inaasahan na i-explore ng US delegation ang mga oportunidad sa trade and investments sa PH sa layong mapalalim pa ang commercial ties sa mga kompaniya sa US may kinalaman sa local economy lalo na sa energy, critical minierals at food security.