-- Advertisements --
Pinabagsak ng US Navy ang nasa 21 missiles at drones ng mga Houthi rebels na pinalipad mula sa Yemen.
Ayon sa US Central Command, na ito na ang pinakamalaking Houthi attacks na naganap sa Red Sea.
Tinawag ng US ito bilang “complex attack” na isinagawa lamang ng mga Iranian-backed militants.
Ang nasabing atake mula sa Yemen ay kinabibilangan ng 18 one-way attack drones, dalawang anti-ship cruise missiles at isang anti-ship ballistic misisles.
Dagdag pa nila na target ng mga Houthi ang international shipping lanes sa southern Red Sea kung saan dumadaan ang mga merchant vessels.
Walang naumang natamaan ng barko o nasugatang crew mula sa nasabing pag-atake.