Tinungo ni Pangulong Ferdinand marcos Jr. ang Ormoc City upang bisitahin ang RM Tan Solar Pump Irrigation Project sa naturang lungsod.
Kasama ng pangulo sa pagbisita si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engr. Eddie Guillen.
Ang P100-milyong proyekto ay naglalayong patubigan ang 100 ektaryang sakahan, na inaasahang makapagpapakinabang sa 92 magsasaka at kanilang pamilya sa pamamagitan ng dalawang beses na pagtanim sa isang taon. Ang solar-powered irrigation ay papalit sa magastos at hindi environment-friendly na diesel pump.
Nabatid na ang RM Tan Solar Pump Irrigation Project ay bahagi lamang ng 7-Point Strategic Policy Agenda ni Administrator Guillen.
Inaasahang maitataguyod nito ang renewable energy tulad ng solar power.
Inaasahan ang paglago ng sektor ng agrikultura sa rehiyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa irigasyon na sinusuportahan ng gobyerno.