-- Advertisements --

Nakatakdang magpatupad ng mabigat na sanctions ang US sa Russia.

Sinabi ni National Security Council spokesman John Kirby na nais nilang panagutin ang Russia sa pagkasawi ng Russian opposition leader Alexei Navalny habang ito ay nakapiit sa kulungan.

Isasabay nila ang nasabing pagpapatupad ng sanctions sa ikalawang anibersaryo ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Isa aniya na maaring mabigat na action na magagawa ng US laban sa Russia ay ang pagpasa ng US Congress ng emergency spending bill na magbibigay ng tulong sa Ukraine, Israel at Taiwan.

Magugunitang pumanaw si Navalny sa edad na 47 habang ito ay nasa penal colony sa Arctic Circle nitong Pebrero 16.

Hinatulan kasi ito na makulong ng 30 taon dahil sa kasong extremism at fraud na mariin naman niyang itinanggi.