WHO Corona virus
Details of cases reported on 20 January 2020 from WHO

Nagtala na ang US ng bagong kaso ng novel (new) coronavirus na nauna ng kumalat sa China.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), isang lalaki ang dinala sa isolation sa Providence Regional Medical Center sa Everett, Washington.

Ang lalaki ay galing sa Wuhan at pauwi sa kaniyang bahay sa Washington subalit paglilinaw nito na hindi ito pumunta sa animal markets kung saan maraming pasyente ang naapektuhan.

Inaalam na rin ng mga otoridad ang mga tao na nakasalamuha ng biktima mula ng ito ay magbalik sa Amerika.

Ang nasabing virus ay mula sa Wuhan at maaaring kumalat sa pamamagitan ng person to person na parang virus mula gaya ng tigdas at trangkaso.

Inanunsiyo rin ng CDC na magsisimula na rin silang mag-screen ng mas mahigpit sa mga pasahero na magtutungo directly o indirectly mula Wuhan patungong Hatsfield-Jackson Atlanta Airport at Chicago O’Hare International Airport.

Nauna nang nagsagawa ang screening noong Enero 17 ang CDC sa mga pasahero na nagmula sa Wuhan sa John F. Kennedy International Airport sa New York, Los Angeles International Airport at San Francisco International Airport.

WHO tweet corona virus

“Coronaviruses are a large family of viruses, some causing illness in people and others that circulate among animals, including camels, cats and bats. Rarely, animal coronaviruses can evolve and infect people and then spread between people such as has been seen with MERS and SARS. Past MERS and SARS outbreaks have been complex, requiring comprehensive public health responses,” bahagi pa ng assessment ng CDC. “Early on, many of the patients in the outbreak in Wuhan, China reportedly had some link to a large seafood and animal market, suggesting animal-to-person spread. However, a growing number of patients reportedly have not had exposure to animal markets, suggesting limited person-to-person spread is occurring, though it’s unclear how easily or sustainably this virus is spreading between people. Both MERS and SARS have been known to cause severe illness in people. The situation with regard to 2019-nCoV is still unclear. While severe illness, including illness resulting in four deaths, has been reported in China, other patients have had milder illness and been discharged.”