-- Advertisements --
Nagbabala ang US sa North Korea kapag itinuloy nito ang missile testing.
Sinabi ni US ambassador Kelly Craft, na may kalalagyan ang North Korea sakaling ituloy ang missile test sa bagong taon.
Magiging mabigat ang ganti ng US sakaling madamay ang ilang bahagi ng Estados Unidos sa isasagawang missile test.
Walang maidudulot na mabuti sa North Korea ang missile testing lalo na sa kanilang security.
Umaasa pa rin ito na hindi maitutuloy ng North Korea ang pahayag nitong missile testing.
Magugunitang nagbanta ang North Korea na mayroong surpresa ito sa US sa bagong taon kapag patuloy ang pangingialam sa problema nila ng South Korea.