-- Advertisements --

Nagpasya “unanimously” ang Korte Suprema nang pabor na isauli ang P60 billion excess government subsidies sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pamamagitan ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Nauna na kasing inilipat ang naturang halaga sa national treasury. Ang bilyun-bilyong halaga ay parte ng P89.9 billion na hindi nagamit na pondo ng state-health insurer.

Ipinaliwanag ni SC spokesperson Atty. Camille Ting na base sa ruling, immediate executory o agarang ipapatupad ang naturang desisyon.

Sa naturang desisyon, permanenteng ipinagbawal na rin ng SC ang paglipat ng natitirang P29.9 billion.

Kung matatandaan, nauna ng iniutos sa PhilHealth na ibalik ang P89.9 billion excess funds sa national treasury.

Noong nakalipas na taon, ni-remit ang P60 billion subalit ang natitirang P29.9 billion ay napigilang malipat sa national treasury matapos mag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order.