-- Advertisements --
Pag-aaralan pang muli ni Russian President Vladimir Putin ang ceasefire deal na isinusulong ng US.
Sinabi nito, nais niyang lahat ng mga nakasaad sa ceasefire deal ay tumutugon sa kanilang kagustuhan.
Matapos kasi ang ginawang pulong ng mga kinatawan ng US at Russia ay walang konkretong napagkasunduan para matapos ang giyera sa Ukraine.
Giit pa nito na gagawin nila ang lahat para makuha ang teritoryo kapag hindi umalis ang mga sundalo ng Ukraine.
Magugunitang inakusahan ng Ukraine ang Russia na sinasayang nila ang oras dahil sa nais nilang pumabor ang ceasefire deal sa kanila lamang.
















