Ipinahayag ng Trump administration ang pansamantalang paghinto sa lahat ng aplikasyon para sa green card at U.S. citizenship mula sa 19 non-European countries, dahil sa alalahanin sa national security at public safety.
Kabilang sa mga bansa ang Afghanistan at Somalia, na dati nang isinailalim sa partial travel ban noong Hunyo. Ayon sa opisyal na memorandum, isa sa mga dahilan ay ang nakaraang pag-atake sa U.S. National Guard sa Washington, kung saan isang Afghan ang naaresto.
Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Trump ang mahigpit na immigration enforcement simula kanyang pagbalik sa opisina noong Enero, kabilang ang pagpapatrolya ng federal agents sa malalaking lungsod at pagtanggi sa mga asylum seekers sa U.S.-Mexico border.
Ang bagong polisiya ay naglalagay ng hold sa mga pending applications at nag-uutos na ang lahat ng aplikante mula sa listahan ay sumailalim sa “thorough re-review process,” kabilang ang potensyal na interview o re-interview, upang masuri ang national security at public safety threats.
Ayon sa American Immigration Lawyers Association, nakatanggap sila ng ulat ng pagkansela ng oath ceremonies, naturalization interviews, at adjustment of status interviews para sa mga aplikante mula sa mga bansang nakalista sa travel ban. (REPORT BY BOMBO JAI)
















