-- Advertisements --

Muling nagsagawa ng airstrike ang US military sa isang bangka na hinihinalang may kargang iligal na droga sa Eastern Pacific.

Kinumpirma ni Secretary of Defense Pete Hegseth ang insidente kung saan anim na katao ang nasawi.

Dagdag pa nito na ang mga suspek ay itinuturing na mga terorista na sangkot sa drug smuggling.

Mula pa noong Setyembre ay mayroon ng 19 airstrikes ang naisagawa ng US kung saan aabot sa 76 katao na ang nasawi.

Una ng kinondina ng United Nations ang insidente at sinabing isang hindi makatao ang airstrikes ng US sa mga hinihinalang may dalang iligal na droga.