-- Advertisements --

bbc1

Nakatakdang magpadala muli ang Estados Unidos ng mga weapon kabilang ang Javelin at Stinger missiles sa Ukraine.

Ito ang kinumpirma ni Ukraine’s National Security and Defense Council Secretary Oleksiy Danilov sa isang televised interview.

Ayon kay Danilov, ang mga nasabing armas ay idi-deliver sa kanila sa mga susunod na araw.

“The (weapons) will be on the territory of our country in the nearest future. We are talking about days,” pahayag ni Danilov.

Ang pagpapadala ng mga armas sa Ukraine ng mga kaalyado nitong bansa ay para mapalakas pa ang kanilang puwersa na labanan ang Russian forces.

Binatikos naman ng Russia ang shipment ng planeloads of weapons sa Ukraine mula sa mga NATO member states.

Ang panibagong US aide sa Ukraine ay kinabibilangan ng wide range of military equipment gaya ng 25,000 sets ng body armour, helmets to rifles at grenade launchers, libu-libong anti-tank weapons, at mahigit 20m rounds of ammunition.

Bukod sa Javelin missiles, ang itinuturing na most powerful weapons ay ang 800 Stinger anti-aircraft systems.

Plano rin ng US na magpadala sa Ukraine ng 100 “tactical unmanned aerial systems” – small drones na magagamit ng mga UKrainian soldiers sa kanilang pakikipaglaban sa mga Russian forces.