Umapela si Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Panawagan ng mambabatas na ayusin ang kanilang online medical assistance system .
Ginawa ng mambabatas ang apela matapos ang ilang reklamo na natanggap nito sa publiko.
Sa isinagawang budget briefing ng PCSO para sa susunod na taon , inamin ni Cendaña na nahihirapan ang maraming miyembro at kababayan na kumuha ng medical aid dahil sa problema sa online portal ng ahensya.
Ayon sa PCSO, bumabagsak ang sistema dahil sa sabay-sabay na pagdagsa ng mga aplikante tuwing alas-8 ng umaga.
Sa kabila nito ay ipinunto ng mambabatas na maraming paulit-ulit na nabibigong makapasok sa portal dahil sa limitadong slots.
Kaya, hiniling niya sa PCSO na dagdagan ang daily limit at pagbutihin ang sistema upang mas maraming Pilipino ang makinabang sa programa.