-- Advertisements --

Ipinag-utos ng Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kasenlahin ang pasaporte ni retired police colonel Royina Garma at dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo.

May kaugnayan ito sa kasong pagpatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)Board Secretary Wesley Barayuga.

Naglabas din ang Mandaluyong Regional Trial Court (RTC) branch 279 ng hold departure order laban kay Garma, Leonardo at tatlong iba pa na responsable sa pagkamatay kay Barayuga.

Nakasaad sa apat na pahinang desisyon na ang limang akusado ay hindi dumalo sa korte o sumuko.

Kasabay din nito ay inatasan din ng kortes na manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sina dating Lieutenant Santi Mendoza at dating pulis na si Nelson Mariano na unang naaresto noong nakaraang buwan.

Itinakda ang pre-trial conference ng kaso sa darating na Nobyembre 12.

Magugunitang itinuro sa ginawang pagdinig sa Senado na sina Garma at Leonardo na siyang nasa utak ng pagpatay kay Barayuga noong 2020.