-- Advertisements --

Magbibigay ang Amerika ng nasa P13.8 million para matulungan ang mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas na mahigit isang linggo ng nananalasa at kumitil na ng 25 katao at nagpa-displace sa daan-daang mga residente.

Ang naturang US funding ay katumbas ng $250,000 na layunin na matulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa life-saving response nito sa mga sinalanta ng matinding mga pag-ulan at pagbahang dulot ng magkakasunod na bagyo at pinaigting na habagat.

Ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, ibibigay ang naturang tulong sa pamamagitan ng United Nations World Food Programme.

Ipapamahagi ang US relief aid sa mga komunidad na apektado ng mga pagbaha sa Metro Manila, Northern at Central Luzon at CALABARZON.

Ayon pa sa US envoy, maigting din na nakikipag-ugnayan ang interagency team ng US embassy sa gobyerno ng Pilipinas at sa WFP para masigurong makakarating ang mga tulong sa mga lubos na nangangailangan.