-- Advertisements --
Isinasapinal na ng US ang planong pagpapadala ng US-made na Abrams tanks sa Ukraine.
Ayon sa mga mataas na opisyal ng US military na aabutin pa ng ilang buwan ang delivery dahil kailangan isanay muna ang mga sundalo ng Ukraine kung paano ito gamitin.
Posible sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng White House kung ilan at kailan ang pagbibigay nila ng nasabing mga tanke.
Ang nasabing hakbang ay maaring matapos na ang pagdadalawang isip ng Germany na magpadala ng Leopard tanks.
Sinabi kasi ng German government na magpapadala lamang sila ng tanke sa Ukraine kapag maunang magpadala ang US.