Mahigpit na naglabas ng babala ang top federal health official sa US para hindi na dumami pa ang bilang ng mga nadadapuan ng coronavirus.
Ayon kay Dr. Robert Redfield, director ng Centers for Disease Control and Prevention., na dapat mahigpit na sundin ng mga mamamayan ang apat na simpleng bagay at ito ay ang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, social distance at maging mapanuri kapag nasa mataong lugar.
Dapat aniya gawin ito ng buong mamamayan ng US.
Kapag hindi sinunod ang nasabing rekomendasyon ay magkakaroon ng matinding suliranin ang US at nakasalalay ang problema sa public health.
Naniniwala din ito na sa pagpasok ng 2021 ay magkakaroon na ang US ng bakuna kontra COVID-19.
Magugunitang nangunguna pa rin ang US sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong mundo na mayroong mahigit 5.3 million.














