May mga payong ibinigay ang US health authorities para sa muling pagbubukas na ng professional sports league sa America.
Sinabi ni Anthony Fauci, ang US health and infectious disease specialist, na maaaring simulan muli ang mga laro kahit na walang mga audience na manonood.
Mahalaga rin ang pagsasailalim ng reliable antibody testing at fast results sa mga manlalaro.
Dagdag pa nito na dapat isasailalim sa pagsusuri ang mga manlalaro kada linggo para matiyak na hindi sila nadadapuan ng virus.
Nauna rito mismong si US President Donald Trump ang nanghikayat na dapat simulan na ang pagbubukas ng sporting events sa Amerika dahil sa nagsasawa na ito sa mga replay na laro na kaniyang napapanood.
Ilan sa mga posibleng maagang magbukas ay ang sport na golf na PGA tour na magsisimula sa Hunyo 11.
Habang ang NBA ay naghahanap ng mga lugar gaya ng Las Vegas o Bahamas para agad na masimulan na ang mga naantalang laro.