Magreretiro na sa National Basketball Association ang batikang guard na si John Wall, matapos ang 11 season sa liga.
Si Wall ay pinili ng Washington Wizards bilang No. 1 overall pick noong 2010 at sa loob ng mahabang panahon ay nanatili siya sa naturang koponan.
Sa kaniyang announcement, sinabi niyang bagaman magreretiro siya sa liga, habangbuhay pa rin siyang maglalaro ng basketball dahil ito ang kaniyang buhay.
Sa kaniyang karera, napanatili niya ang impresibong career average na 18.7 points at 8.9 assists per game.
Ang kaniyang pinakamagandang average ay noong 2016-2017 season kung saan nagposte siya ng 23.1 points at 10.7 assists per game, sa ilalim ng Wizards.
Bagaman ilang beses siyang nagka-injury sa loob ng 11 season sa liga, si Wall ay isa sa kinikilalang pinakamabilis at pinaka-athletic na point guard sa kaniyang mga unang taon sa liga.
Noong 2014, siya ang kinoronahan bilang Slam Dunk champion at sa sumunod na taon, napabilang siya sa All-Defensive Second Team dahil sa magandang depensa bilang point guard.
Mula sa Wizards, tuluyang na-trade ang batikang point guard sa Houston Rockets at Los Angeles Clippers.