-- Advertisements --
Pumirma ng kasunduhan ang US government at drug maker na Pfizer para sa pagbili ng 10-milyon na expiremental COVID-19 antiviral drug.
Ang nasabing kasunduan ay nagkakahalaga ng $5.29-bilyon o mas doble sa kontrata na pinirmahan ng US sa Merck & Co. Inc.
Mas mura pa ang presyo ng Pfizer na $530 per course kumpara sa $700 ng Merck.
Nauna ng nag-apply ang Pfizer ng emergency authorization ng gamot nila Paxlovid matapos ang pagiging 89% na epektibo sa pagbawas ng pagkaka-ospital sa mga nasa death-at- risk katao na dinapuan ng COVID-19.
Sinabi pa ng Pfizer na magsisimula silang magdeliver ng gamot ngayong taon kapag nakakuha na sila ng authorization mula sa US Food and Drug Administration.