-- Advertisements --
Dadagdagan ng US ang mga presensiya ng kanilang sundalo sa Germany.
Sinabi ni US Defense Secretary Lloyd Austin, na mayroong 500 na karagdagang US personnel ang kanilang ilalagay sa Wiesbaden area.
Ang nasabing plano aniya ay siyang naging pangako nila sa Germany at sa buong North Atlantic Treaty Organization (NATO).
Dagdag pa ni Austin na ang karagdagang puwersa sa Germany ay lalong mapapalakas ang kanilang puwersa sa Europe at ang pag-suporta sa ibang mga kalapit na lugar.
















