-- Advertisements --

Nakatakdang makasalamuha ni Pope Leo ang ilang mga Hollywood stars.

Ayon sa Vatican , na kinabibilangan ito nina Cate Blanchett, Chris Pine, Adam Scott, Spike Lee, Gus Van Sant, George Miller at maraming iba pa.

Nais ng Santo Papa na laliman ang pakikipag-usap sa mga nasa mundo ng pelikula.

Inaaral din ng Santo Papa ang posibilidad ng artistic creativity na nag-aalok ng mission ng simbahan at promosyon ng gandang asal.

Madalang lamang kasi sa Vatican na bisitahin ng Hollywood star kung saan kadalasan sa mga ito ay mga obispo.

Noong Hunyo 2024 ay bisita ng namayapang si Pope Francis ang mga komedyanteng sina Conan O’Brien, Stephen Colbert at Jimmy Fallon.