Sinabi ni Pope Leo na nasubok ang ugnayan ng mga hudyo at kristiyano dahil sa mga nagdaang sigalot sa Middle East, na nakaapekto rin umano sa kanilang dialogue ngunit hindi ito tuluyang nasira.
Sa isang bagong decree para markahan ang 60 taon ng Catholic church’s efforts sa inter-religious dialogue, sinabi ng Santo Papa na nananatiling matatag ang mga pundasyon ng pag-uusap sa pagitan ng mga mananampalataya.
Ayon sa Decree, nahirapan ang ilang communication channels dahil sa magkakaibang pananaw sa nagpapatuloy na karahasan sa Middle East.
Gayunman, sinabi nitong kinakailangan at posible pa ring ipagpatuloy ang dialogue.
Muling kinondena ni Pope Leo ang antisemitism at islamophobia, habang inilarawan ang paglaban sa antisemitism bilang isang “Shared struggle” ng mga hudyo at kristiyano.
Sinabi rin ng Vatican na Hindi dapat paghaluin ang extremist violence at ang pang-araw-araw na buhay ng mga Muslim, bilang pagtutol sa mga pananaw na nag-uugnay sa islamophobia sa buong Muslim community.















