-- Advertisements --
Nanawagan ang samahan ng business process outsourcing (BPO) sa Department of Labor and Employment na tugunan ang kanilang reklamo laban sa mga kumpanya na pinipilit pa rin silang magtrabaho kahit sa pananalasa ng bagyong Uwan.
Ayon sa grupong BPO Industry Employees Network (BIEN) , na pinipilit ang mga BPO employees na pumasok kahit na maraming lugar na kanilang pinapasukan ang apektado na ng bagyo.
Una ng inilapit nila ang reklamo na ito sa DOLE noong pananalasa ng bagyong Tino subalit sila ay binalewala.
Umaasa ang grupo na sa pangalawang sulat nila ay matugunan na ito ng DOLE.
















