-- Advertisements --

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang Meet and Greet kasama si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople at mga employer sa Estados Unidos upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa trabaho at talakayin ang mga isyu kaugnay ng mga manggagawang Pilipino na nasa Amerika.

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos sa U.S. land and sea-based employers ng halos 200,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) para sa pagbibigay ng oportunidad o trabaho sa maraming Pilipino.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Pangulo na hindi na dahil sa kawalan ng trabaho sa Pilipinas ang dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino kundi dahil nakikiisa na ito at ngayo’y may malaking naiaambag sa global economy.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang Pilipinas ay active member at nag-aambag na rin sa global economy.

Sa meet and greet sa mga American employers na pawang mga land-based and sea-based sectors na nagre representa sa mga hospitals, healthcare at cruise line industry.

Sa ngayon nasa 200,000 na mga Filipino OFWs ang nagtatrabaho sa mga American companies.

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, tiniyak sa kaniya ng mga nasabing kumpanya na magha hire pa sila ng mga Filipino workers.

Sinabi ni Ople, positibo ang tugon ng mga American companies sa naging pulong nila kay Pang. Marcos Jr.

Sa kabilang dako, siniguro ng mga American companies na magpapatuloy ang kanilang hiring ng mga Pinoy workers.

Ayon kina Tanay Alonso at Michael Jaworski, representative ng Royak Caribbean group na nangangailangan pa ang kanilang kumpanya ng nasa 15,000 OFWs.