-- Advertisements --

Tinatayang nasa mahigit 470,000 ektarya ng standing crops ang maaaring maapektuhan ng bagyong Tino.

Ito ay base sa pinagsamang datos mula sa Region 4-A (Calabarzon), 4-B (Mimaropa), Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at Soccsksargen.

Base sa DA – Disaster Risk Reduction and Management (DA-DRRM) Operations Center, nasa mahigit 350,000 ektarya ay mga natamnan ng palay habang mahigit 119,000 ektarya naman ay mais.

Sa palay, mayorya dito o nasa 41.44% ay nasa maturity stage habang sa mga pananim na mais naman, mayorya nito o nasa 51.01% ay nasa seedling at vegetative stages pa lamang.

Para maiwasan ang malawak na pinsala sa sektor ng agrikultura, nauna ng nag-abiso ang DA sa mga magsasaka para sa maagang pag-ani ng maaari nang ma-harvest at ilikas ang mga reserbang binhi, mga materyales sa pagtatanim at iba pang gamit pansaka sa ligtas at mataas na lugar upang hindi maabot ng baha.