-- Advertisements --
Nagkasundo ang US at China na palakasin ang kanilang paglaban sa climate change sa susunod ng ilang dekada.
Ito ang surpresang inanunsiyo ng dalawang bansa sa COP26 climate summit sa Glasgow, Scotland.
Lahat aniya ng paraan ay kanilang gagawin para makamit ang 1.5 degrees celcius na temperatura na nakasaad sa Paris Agreement.
Sinabi ni Chinese climate negotiator Xie Zhenhua na marami pang mga kasunduan ang US at China kumpara sa pagkakaiba.
Sinabi naman ni US climate ambassador John Kerry na ang pagtutulungan nila ng China ang siyang magreresolba sa problema sa climate change.
















